Kapag usapang health, minsan iniisip natin na high maintenance ito.
Healthy food? Baka mahal.
Exercise? Baka kailangan pa ng gym membership.
Supplements? Baka maraming kailangan inumin.
Pero pagdating sa pag-aalaga ng atay, marami sa puwedeng gawin ay nagsisimula sa simpleng tanong: may maliit ba akong mababago sa araw-araw kong routine?
Ang magandang balita ay hindi kailangang komplikado ang pag-aalaga rito.
Bago Magdagdag sa Grocery Cart

Hindi kailangang puro imported o trending foods ang kainin para masabing healthy.
Ang balanseng diet ay puwedeng magsimula sa pagkaing pamilyar tulad ng gulay, prutas, isda, beans, at iba pang masustansyang pagkain.
Mahalaga rin ang tamang portions, eating habits, at pagpapanatili ng healthy weight, na makatutulong upang mabawasan ang risk ng fatty liver disease.
Libre ang Pagiging Active

Hindi kailangan ng bagong sapatos, smartwatch, o monthly gym membership para maging active.
Maaaring maglakad sa labas, gumawa ng gawaing-bahay, o mag-simple exercises para manatiling active. Ang regular physical activity ay mahalagang bahagi ng healthy lifestyle at maaari ring makatulong na mabawasan ang risk ng fatty liver disease.
Kaya kung kaya namang lakarin ang malapit na pupuntahan, puwedeng lakarin. Kung matagal nang nakaupo, tumayo at gumalaw-galaw.
Ang importante, may galaw.
Huwag Gawing “Bahala Na” ang Pag-inom ng Gamot o Supplements

Pagdating sa gamot at supplements, kailangang maging maingat sa paggamit.
Masakit ang ulo? May natitirang gamot sa cabinet.
May nakita online na pang “detox”? Add to cart agad.
May supplement na trending? Mukhang okay naman.
Hindi ibig sabihin na dahil supplement ang isang produkto ay puwede na itong gamitin agad. May ilang supplements na maaaring makaapekto sa bisa ng ibang gamot o magkaroon ng interactions sa mga ito. Maaari namang makatulong ang supplements sa ilang nutritional needs, pero mas mabuting alamin muna kung kailangan at angkop ito para sa iyo.
Kung umiinom ka ng maintenance medicines, may existing health condition, o nag-iisip magsimulang uminom ng supplement, mas mabuting itanong muna sa doktor o pharmacist kung angkop ito para sa iyo.
So, Can You Care for Your Liver Without Spending More?
Yes, at maraming paraan para magsimula.
Hindi kailangan ng total makeover o punuin agad ang cart ng kung anu-anong produkto na may salitang “cleanse”, “detox”, o “healthy”.
Magsimula sa mga bagay na kaya mong kontrolin: kung ano ang kinakain mo, gaano ka kadalas gumagalaw, at kung paano ka responsable sa paggamit ng mga gamot at supplements.
At kung may nutritional needs na hindi sapat na natutugunan ng everyday habits, makatutulong ang isang healthcare professional para malaman kung anong support ang talagang kailangan at angkop para sa iyo.
Sources:
https://www.niddk.nih.gov/health-information/liver-disease/nafld-nash/treatment